Election gun ban sa legit gun owners kinuwestiyon ni Padilla
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Sa pamamagitan ng pagdinig sa Senado, aalamin ni Senator Robinhood Padilla ang katuwiran sa pagbabawal sa mga lehitinong nagmamay-ari ng baril na masakop ng election gun ban.Ito ay sa kabila aniya nang pagtalima sa lahat ng regulasyon ukol sa pagdadala ng kanilang arnas sa labas ng kanilang bahay.Ani Padilla tatanungin niya ang Commission on Election kung bakit kailangang ang mga responsible gunowners ang apektado ng gun ban habang ang mga kriminal ay malayang nakakagamit nito.Tinawag pa ng senador na malaking kalokohan na ang mga legal gun holders ang nasasakop ng gunban.Kinumpirma ni Padilla na sa pagbabalik ng sesyon ay maghahain siya ng resolusyon para sa pagsisiyasat.Sa kanyang palagay din ay sapat na ang mga batas na gumagabay sa pag-aari, pagdadala at paggamit ng baril.