Election gun ban sa legit gun owners kinuwestiyon ni Padilla

By Jan Escosio July 04, 2023 - 02:54 PM
Sa pamamagitan ng pagdinig sa Senado, aalamin ni  Senator Robinhood Padilla ang katuwiran sa pagbabawal sa mga lehitinong nagmamay-ari ng baril na masakop ng election gun ban.   Ito ay sa kabila aniya nang pagtalima sa lahat ng regulasyon ukol sa pagdadala ng kanilang arnas sa labas ng kanilang bahay.   Ani Padilla tatanungin niya ang Commission on Election kung bakit kailangang ang mga responsible gunowners ang apektado ng gun ban habang ang mga kriminal ay malayang nakakagamit nito.   Tinawag pa ng senador na malaking kalokohan na ang mga legal gun holders ang nasasakop ng gunban.   Kinumpirma ni Padilla na sa pagbabalik ng sesyon ay maghahain siya ng resolusyon para sa pagsisiyasat.   Sa kanyang palagay din ay sapat na ang mga batas na gumagabay sa pag-aari, pagdadala at paggamit ng baril.

TAGS: Gun ban, news, Radyo Inquirer, Robin Padilla, Gun ban, news, Radyo Inquirer, Robin Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.