Pagbawi sa Public Health Emergency “aprubado” na ni Pangulong Marcos
Pabor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na alisin na ang Public Health Emergency sa bansa dahil sa pandemya sa COVID-19.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na aprubado na ni Pangulong Marcos ang naturang panukala.
Pero ayon kay Herbosa, hinihintay na lamang na malagdaan ni Pangulong Marcos ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force.
De-facto na rin naman aniya na wala ng Public Health Emergency dahil inalis na ang mandatory na pagsusuot ng face mask at niluwagan na rin ang health restrictions.
Sabi ni Herbosa, mismo ang World Health Organization na ang nagdeklara na tapos na ang pandemya.
Nabawasan na rin aniya ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
Sabi ni Herbosa, mayorya sa mga Filipino ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.