Desisyon sa wage hike petitions sa apat na rehiyon ilalabas sa Q3 ng taon

By Jan Escosio July 04, 2023 - 07:48 AM

 

Sa mga susunod na buwan ay maaring ilabas na ang desisyon ukol sa mga petisyon ng dagdag-sahod sa apat na rehiyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Undersecretary Ernesto Bitonio Jr., ang mga nakabinbing petisyon ay sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas regions.

Sinabi nito na magsasagawa ng mga pagdinig at konsultasyon ang regional wage boards sa apat na rehiyon ngayon buwan hanggang Setyembre.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board ang karagdagang P40 sa daily minimum wage sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Inaasahan na makikinabang dito ang may 1.1 milyong minimum wage earners sa Metro Manila.

Simula sa Hulyo 16, magiging P573 hanggang P610 na ang minimum wage sa Metro Manila depende sa sektor at bilang ng mga trabahador.

TAGS: Labor, news, Radyo Inquirer, wage increase, Labor, news, Radyo Inquirer, wage increase

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.