Kontrata ng DOT sa DDB tinapos na

 

Tinuldukan na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata sa DDB Philippines.

Ito ang advertising agency na gumawa ng bagong tourism promotional video na “Love the Philippines” na umani ng batikos dahil sa paggamit ng mga stock footage mula sa ibang bansa gaya ng Thailand, Indonesia at United Arab Emirates.

Ayon sa DOT, marapat lamang na tapusin na ang kontrata sa DDB.

Nanindigan pa ang DOT na hindi pa binabayaran ng kanilang hanay ang DDB para sa naturang promotional video.

Una nang inako ng DDB ang pagkakamali at humingi ng tawad.

“As DDB Philippines has publicly apologized, taken full responsibility, and admitted in no uncertain terms, that non-original materials were used in their AVP, reflecting an abject failure to comply with their obligation/s under the contract and a direct contravention with the DOT’s objectives for the enhanced tourism branding, the DOT hereby exercises its right to proceed with termination proceedings against its contract with DDB,” pahayag ng DOT.

 

Read more...