5 pang suspek sa Degamo-slay case binawi unang kumpisal

By Jan Escosio July 03, 2023 - 08:23 PM

Lima pa sa mga arestadong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa siyam iba pa ang binawi na ang kanilang naunang sinumpaang-salaysay.

Nagsumite sina Winrich  Isturis, Eulogio  Gonyon Jr., John Louie  Gonyon, Joric Labrador, at Benjie Rodriguez sa Department of Justice (DOJ) ng affidavit para sa pagbawi sa kanilang unang pag-amin sa krimen at pagsabit kay suspendd Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa krimen.

Una nang nagsumite noong Hunyo 27 ng katulad na affidavit sa DOJ panel of prosecutors ang lima pa sa mga suspek na sina Jhudiel  Rivero, Dahniel  Lora, Romel  Pattaguan, Rogelio Antipolo Jr., at  Joven Javier.

Ayon sa kampo naman ni Teves may basehan na sila para kuwestiyonin ang mga kasong isinampa laban sa mambabatas.

Bago pa ito, ibinasura na ng DOJ ang hirit ng kampo ni Teves na mag-inhibit sa pagsasagawa ng preliminary investigation laban sa mambabatas.

Pinagsusumite na rin ang mga suspek, kabilang na si Teves, sa Hulyo 17 ng kanilang counter-affidavits sa mga alegasyon sa kanila.

 

 

 

TAGS: ArnolfoTeves, DOJ, Gov. Roel Degamo, Murder, ArnolfoTeves, DOJ, Gov. Roel Degamo, Murder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.