Sa nakalipas na anim na araw hanggang kahapon, Hunyo 2, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,747 karagdagang COVID 19 cases sa bansa.
Base dito, 392 ang daily average ng nahahawa ng nakakamatay na sakit.
Mas mababa pa ito ng 20 porsiyento kumpara sa sinundan na anim na araw o mula Hunyo 19 hanggang Hunyo 25.
Sa mga bagong tinamaan ng COVID 19, 32 ang malubha ang kondisyon.
May nadagdag naman na dalawa sa bilang ng mga nasawi bagamat walang namatay simula Hunyo 19 hanggang Hulyo 2.
Patuloy pa rin ang paalala ng DOH na sumunod sa minimum public health standards alinsunod sa Alert Level 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.