Petisyon para sa taas-pasahe sa MRT 3 inihirit

May petisyon para sa pagtaas ng singil sa pasahe sa MRT 3.

Ayon kay MRT-3 officer-in-charge Jorjette Aquino, may petisyon na maging P13.29 ang boarding fare at karagdagang P1.21 sa bawat kilometro ng biyahe.

Ito ay mula sa kasalukuyang P11 boarding fare at kargadagang P1 sa bawat kilometro.

Ngayon aniya ang minimum fare sa MRT-3 ay P13 at P28 naman ang pinakamataas na singil sa pasahe.

Ang dagdag pasahe ay katulad din sa petisyon ng LRT-1 at LRT – 2.

 

Read more...