Sa Muntinlupa City nagsunog din ng sasakyan, may mga biktimang nadaganan ng debris, at may sasakyang nahulog sa flyover.
Pinangunahan ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction Management Office ang shake drill sa lungsod na nilahukan ng maraming rescuers at volunteers.
Kabilang sa mga scenario na isinagawa sa Muntinlupa ang ladder rescue, fire suppression, extrication, medical and transportation of victim-actors mula sa Alabang Viaduct patungo sa pinakamalapit na pagamutan.
Isang luma at sira-sira nang government vehicle din ang kunwari ay nahulog mula sa flyover at nagliyab.
May mga debris din na ikinalat sa mga lansangan at may mga duguan matapos ang pagtama kunwari ng magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES