Nagsilbing panauhing-pandangal sa pagdiriwang ng 21st Philippine- Spanish Friendship Day si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Baler, Aurora. Pinangunahan naman ang paggunita ni Senator Sonny Angara at dumalo din sina Spanish Ambassador Miguel Utray, Andoni Aboitiz, chairman ng National Museum Board of Trustees, National Museum Dir. Jeremy Barnes, Arch. Ed Calma, Aurora Rep. Rommel Rico Angara at Baler Mayor Rhett Ronan Angara. Pinangasiwaan ang pagdiriwang ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), sa pamumuno ni Dr. Emmanuel Calairo. Sa pagdiriwang, ginunita din ang ika-125 anibersaryo ng makasaysayang Siege of Baler, ang pagkubkob ng mga Filipinong rebolusyonaryo sa Simbahan ng Baler, na dinipensahan naman ng mga sundalong Kastila mula Hulyo 1, 1898 hanggang Hunyo 2, 1899. Sa kanyang talumpati, binanggit ni Angara na ang kanyang yumaong ama, si Sen. Edgardo Angara, ang nagsulong ng panukala noong 2002 para taon-taon na maggunita ang Philippine-Friendship Day at ito ay naging batas matapos pirmahan ni dating Pangulong Gloria Arroyo. “The Siege of Baler is in the empire of Spain. Of course, we know, we are taught in our history books that Spain was the greatest country in the world for many centuries,you know. And we are a part of that glorious past, that glorious history,” ani Angaera.