25 patay sa India

 

Patay ang 25 katao matapos masunog ang sinasakyang bus na papunta sana sa kasal sa Maharashta, India.

Ayon sa ulat, dahil sa malakas na ulan, bumangga muna ang bus bago nagliyab.

Isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang iba pang mga sugatan.

Tiniyak naman ng pamahalaan ng India na bibigyan ng pinansyal na ayuda ang mga naulilang pamilya.

 

Read more...