Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways na tapusin na ang konstruksyon ng Davao City Coastal Bypass Road.
Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng DCCBR sa Davao City, sinabi nito na dapat na matapos ang naturang proyekto ng naayon sa timeline.
Kapag natapos na ang proyekto, sa halip na isang oras at 45 minuto, magiging 30 minuto na lamang ang biyahe mula sa Toril Area patungo ng Davao City.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpupursige na matapos ang first phase ng naturang proyekto.
“Also, of extreme importance to the completion of this project, we must acknowledge my predecessor, someone who was a central part, instrumental, central part to bringing us here today, the former president, President Rodrigo Roa Duterte,” sabi ni Pangulong Marcos.
Kasama ni Pangulong Marcos sa inagurasyon at pagbubukas ng DCCBR sa Tulip Drive, Matina sa Davao City sina Vice President and concurrent Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte, DPWH Secretary Manny Bonoan, Senator Imee Marcos, Davao City Mayor Baste Duterte, at iba pang opisyal.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at iba pang development partners sa pagtulong sa mga programang pang-imprastraktura ng gobyerno.
“Everything that we have done so far—and everything that we will do from this point onwards—will all be instrumental in our collective leap forward and upward. I call on the DPWH and everyone involved in this and in all the other infrastructure projects: The work needs to be done,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Strive to finish the remaining segments and let us do it within the schedule so that our people may reap and truly enjoy the maximum benefits of your hard work,” dagdag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.