P1.8 milyong halaga ng shabu nasabat ng BOC sa Pampanga

 

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P1.8 milyong halaga ng shabu sa Clark, Pampanga.

Ayon sa BOC, galing sa Pasig City ang illegal na droga at idineklara na “ used MI smart speaker” at ipadadala sa South Korea.

Pero sa pagsusuri ng x-ray inspection ng BOC, nabatid na shabu ang laman ng kargamento,

Agad naman na ibinigay ng BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga nakumpiskang ilegal na droga.

 

Read more...