17 dome-collapse pyroclastic density, 254 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon
Mas naging aktibo ang Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 17 dome- collapse pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan sa nakalipas na magdamag.
Nasa 65 volcanic earthquake at 254 rockfall events ang naitala sa bulkan.
Sabi ng Phivolcs, naging mabagal ang pagdaloy ng lava sa Mi-isi Gully na may haba na 2.233 kilometro at sa bonga Gully at pagguho ng lava na may haba ng hanggang 3.3 kilometro at 4 na kilometro sa Basud Gully mula sa crater.
Nasa 1,002 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 200 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan at naging katamtaman ang pagsingaw. Napadpad ito sa silangan-hilagang-silangan at gawing kanluran.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.