Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Anti-Poverty Commissio En Banc na tukuyin ang mga lugar na tukuyin na may mataas na antas ng kahirapan.
Ginawa ng Pangulo ang utos matapos ang magsagawa ng en banc meeting sa Palasyo ng Malakanyang ngayong araw, Hunyo 30.
Sabi ng Pangulo, mahalaga na matukoy ang local communities na higit na nangangailangan ng tulong para agad na maayudahan ng pamahalaan.
Kailangan din aniyang makipag-ugnayan ang NAPC sa ibat ibang tanggapan ng pamahalaan para sabay sabay na maipatupad ang mga programa.
Utos pa ng Pangulo sa NAPC, maging bukas ang tainga at making sa hinaing ng lokal na opisyal dahil sila ang higit na nakaalam sa sitwasyon sa kanilang mga komunidad.
Sabi ng Pangulo, magagamit ng pamahalaan ang mga suhestyon ng LGUs para matugunan ang problema.
Itinatag ang NAPC noong 1998 para maging coordinating at advisory body sa pagpapatupad sa mga Social Reform Agenda.
Kasama sa pulong ang Cabinet Secretaries at iba pang mga opisyal at miyembro ng 25 National Member Agencies, Local Government Unit (LGU) Leagues at Sectoral Representatives mula sa 14 Basic Sectoral Councils.
Kabilang sa tinalakay sa pulong ang alignment ng lahat ng development plans ng Philippine Development Plan 2023-2028; pagbuo ng National Anti-Poverty Action Agenda (N3A); National Poverty Reduction Plan (NPRP) na binubuo ng housing, decent work, adequate food, highest attainable standard of health, edukasyon; guidelines sa Local Poverty Reduction Action Plan; at pagsasagawa sa National Sectoral Assembly (NSA) sa 14 Basic Sectors.