BSP Governor Felipe Medalla nag-farewell call kay Pangulong Marcos

By Chona Yu June 30, 2023 - 04:23 PM

 

Personal na nagpaalam na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla.

Matatapos ang termino ni Medalla sa Hulyo 2.

Papalit sa puwesto ni Medalla si BSP Governor Ely Remolona.

Itinalaga ni Pangulong Marcos si Medalla para tapusin ang iniwang termino ni dating BSP Governor Benjamin Diokno na itinalaga naman bilang kalihim ng Department of Finance.

Kasama ni Medalla na nag-farewell call kay Pangulong Marcos si BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat.

Si Medalla ay naging miyembro ng Monetary Board ng BSP simula noong Hulyo 2011.

Bago naitala sa BSP, nagsilbi si Medalla bilang Socioeconomic Planning Secretary at Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA) mula 1998 hanggang 2001.

Nagturo din si Medalla sa University of the Philippines’ School of Economics at naging dean ng apat na taon simula noong 1994.

 

TAGS: BSP, farewell call, news, Radyo Inquirer, BSP, farewell call, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.