(CBCP News)
Itinalaga ni Pope Francis si Zamboanga Auxiliary Bishop Moises Cuevas bilang bagong obispo ng Apostolic Vicariate ng Calapan, Oriental Mindoro.
Ayon sa ulat ng CBCP News, papalitan ni Bishop Cuevas si Bishop Warlito Cajandig na nanungkulan sa puwesto mula noong 1989 hanggang 2022.
Matatandaang pinayagan na ng Vatican noong 2022 na maging “liberated” si Cajandig sa kanyang mga tungkulin dahil sa isyu ng kalusugan.
Taong 2018 nang sumailalim sa brain surgery ang 79 anyos na obispo matapos ma-stroke.
Sa ngayon, si Cuevas ang pinakabatang obispo sa bansa sa edad na 49 anyos.
Naordinahan bilang pari si Cuevas noong 2000 sa Zamboanga at naging auxiliary bishop noong Marso 2020.
READ NEXT
Sen. Bong Go may pinatitiyak sa DOH ukol sa pagbawi sa COVID 19 state of national emergency
MOST READ
LATEST STORIES