Sen. Bong Go may pinatitiyak sa DOH ukol sa pagbawi sa COVID 19 state of national emergency

By Jan Escosio June 30, 2023 - 02:03 PM

 

Sinabi ni Senator Christopher Go na kailangan na maging 100 porsiyento ang Department of Health (DOH) sa pagbabasehan nang pagbawi sa idineklarang  COVID 19 ng state of national emergency.

Ayon kay Go, ang pagbawi ay dapat nakabase sa mga ebidensiya at siyensiya.

Sinabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Health na isa pa sa dapat tiyakin ng DOH ang katatagan ng healthcare system sa bansa kung sakaling muling dumami ang nahahawa ng COVID 19.

Kasabay nito ang kanyang apila sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na bilisan ang pagbibigay ng benepisyo sa mga healthcare workers.

Binigyang diin rin ni Go na mayroon man o walang State of Public Health Emergency ay dapat tuparin ng pamahalaan ang obligasyon nito na protektahan ang buhay at kalusugan ng mga pilipino, at ibigay ang nararapat lalo na sa ating mga medical frontliners.

Reaksyon ito ng senador sa pahayag ni Health Sec. Ted Herbosa na pagrekomenda na bawiin na ang naturang deklarasyon.

TAGS: bong go, COVID-19, department of health, pandemic, Radyo Inquirer, bong go, COVID-19, department of health, pandemic, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.