Kustomer pinayuhan ng Manila Water na magpasipsip ng poso negro

By Jan Escosio June 30, 2023 - 01:47 PM

 

 

Ang pagbabara sa kubeta ay maaring senyales ng umaapaw na poso-negro, ayon sa Manila Water.

Kayat ang payo ng water concessionaire, tangkilikin ng kanilang mga kustomer ang libreng “desludging service.”

Ngayon Hulyo, magtutungo ang siphoning trucks ng Manila Water sa maraming barangay sa lungsod ng Maynila para sa libreng pagsipsip ng poso- negro sa mga kabahayan.

Gayundin sa ilang barangay sa Makati City, San Juan City, Taguig City, Mandaluyong City, Quezon City; Montalban, Cainta, Binangonan, Angono, at Taytay sa Rizal.

Pinayuhan ang mga kustomer na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng kanilang barangay para sa iskedyul.

Pagtitiyak pa ng Manila Water na ang kanilang desludging servuce ay alinsunod sa mga itinakdang pamantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Laguna Lake Development Authority (LLDA).

TAGS: manila water, news, Radyo Inquirer, manila water, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.