Buong gobyerno hinikayat ni Villanueva na kumilos sa promosyon ng turismo sa bansa

By Jan Escosio June 30, 2023 - 01:24 PM
Hindi lamang pagpapalit ng campaign slogan at sa halip ay kailangan ng ng whole-of-government approach sa promosyon ng turismo ng bansa.   Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno na makahikayat ng mas maraming turista na bumisita sa bansa.    Paglilinaw lamang din ni Villanueva na suportado niya ang pagsusumikap ng Department of Tourism (DOT) na mapalakas ang industriya ng turismo  dahil makapagbibigay ito ng mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan sa  mga Pilipino.   Sa ngayon ay unti-unti na aniyang bumabalik ang sigla ng turismo sa kabila na nagpapatuloy pa rin ang pandemya.   Sa pinakahuling datos ng DOT noong Mayo, lumilitaw na higit dalawang milyong banyaga na ang bumisita sa bansa.   Batay nya sa impormasyon ng Philippine Statistics Authority, noong 2022, ang tatlong  Inbound Tourism Expenditure ng  non-resident tourists ay sa  food at beverage services, accommodation services at  transport services bukod pa sa shopping.   Kaya bukod anya sa bagong  tourism slogan na inilunsad ng  DOT kailagan din nating isaayos ang transportation system, kabilang na ang mga airport  na  gateways ng bansa.

TAGS: philippines, tourism, Villanueva, philippines, tourism, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.