Higit .6M bahay sa MM apektado sa bawas suplay ng tubig
Pinangangambahan na aabot sa 632,000 kabahayan sa Metro Manila ang makakaranas ng water service interruptions simula ngayon Hulyo.
Bunsod ito nang pagbawas sa alokasyon ng tubig, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Dahil sa pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam, ibababa sa 50 cubic meters per second mula sa 52 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig.
Una nang binalak na simulan ang mas mababang alokasyon noong Hunyo ngunit ipinagpaliban ito ng NWRB ngayon Hulyo bunsod ng hiling naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
“Gusto natin yung mga kababayan natin dito sa Metro Manila, patuloy na magkaroon ng magandang supply ng tubig at maiwasan po sana ‘yung interruptions habang sinasaayos pa rin ng MWSS yung mga sistema ng kanilang tubig,” ani NWRB Executive Director Bill David.
Umaasa na lamang din ang MWSS na dahil sa mga pag-ulan ay tataas ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.