Roxas, Poe at Escudero, imbitado sa hapunan kasama ang pangulo

apat
File Photo

Nagpatawag ng hapunan sa Malakanyang si Pangulong Noynoy Aquino at imbitado sina Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas, Senators Grace Poe at Francis Escudero.

Magaganap ang dinner with the president ngayong gabi o di kaya ay anomang ayaw ngayong linggo ayon sa source ng Philippine Daily Inquirer.

Talagang isiningit umano ng Pangulo ang nasabing hapunan sa kabila ng pagiging abala nito sa paghahanda para sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Kung dadalo ang tatlo, ito ang unang pagkakataon na magkakasama-sama sila sa pulong kasama ang pangulo.

Nauna nang nakausap ng pangulo sa Malakanyang na magkasama sina Poe at Escudero.

Lumalabas na hanggang sa ngayon wala pang pinal na pasya si Pangulong Aquino kung sino ang makakakuha ng endorsement nito para sa 2016 Presidential Elections.

Si Roxas ang inaasahang magiging standard-bearer ng Liberal Party at naniniwala si Senador Serge Osmena na ang pakikipag-usap ng pangulo kina Poe at Escudero ay upang huwag ituloy ang tambalan nito at pumayag na lamang si Poe na tumakbong vice president katambal ni Roxas. / Philippine Daily Inquirer, Dona Dominguez-Cargullo

Read more...