P48.6 milyong halaga ng shabu nasabat sa babaeng Canadian sa NAIA 1

By Chona Yu June 30, 2023 - 09:01 AM

 

Naaresto ng tauhan ng Bureau of Customs ang isang babaeng Canadian passenger matapos makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P48.6 milyon sa Ninoy Aquino International Airport 1 sa Pasay City.

Ayon sa BOC, iniligay ng Canadian ang ilegal na droga sa Truffle Chocolate Balls sa check-in baggage.

Sabi ng BOC, galing sa Mexico ang ilegal na droga.

Galing sa Japan ang Canadian at dumating sa NAIA 1 kahapon, Hulyo 29 sakay ng Japan Airline Flight Number JAL741.

Sumailalim sa screening ang bagahe ng Canadian at nadiskubre ang  shabu na nasa 7,150 gramo base na rin sa pagsusuri ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nasa kostudiya na ngayon ng PDEA ang Canadian na pasahero at ang ilegal na droga.

 

TAGS: canadian, NAIA, news, Radyo Inquirer, shabu, canadian, NAIA, news, Radyo Inquirer, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.