Paglapag ng US military aircraft sa NAIA pinasisilip ni Sen. Imee Marcos
Nais ni Senator Imee Marcos na mabigyan linaw ang paglapag ng isang US military aircraft noong Lunes sa NAIA.
Inihain ni Marcos ang Senate Resolution 667 upang makapagsagawa ng “inquiry in aid of legislation” ukol sa paglapag ng Boeing C-17 strategic transport aircraft.
Sinabi nito na lumapag ang pandigmang-eroplano ng Amerika ng walang abiso sa Integrated Command and Control Center ng NAIA.
Ngunit, nalaman sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nag-abiso ang US Embassy sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Pagdidiin ni Marcos dapat ay mabigyan linaw ang intensyon ng paglapag ng US aircraft, kung ano ang mga karga nito at kung sino-sino ang mga sakay.
Nabatid na patungo dapat sa Palawan ang eroplano, na nagmula sa Guam at may siyam na crew at isang pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.