2 volcanic quake, 284 rockfall events, 7 dome collapse naitala sa Bulkang Mayon
Dalawang volcanic earthquake, 284 rockfall events at pitong dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology, mabagal ang naging pagdaloy ng lava na may haba na 2.23 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater.
Nasa 595 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 2,500 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan. Malakas ang pagsingaw nito at napadpad sa hilaga at hilagang kanluran.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.