Pagbibida ni PBBM Jr., sa mga foreign investors pinakamalaking tagumpay – Angara

 

Sinabi ni Senator Sonny Angara na ang itinuturing niyang malaking tagumpay ng isang taon ng administrasyon-Marcos Jr. ay ang panghihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na maglagak ng negosyon sa bansa.

“Biggest achievement is telling the world that the Philippines is open and ready for business,” ani Angara.

Dagdag pa ng senador, nakikita niya na pursigido si Pangulong Marcos Jr., na maipakita at maipagmalaki sa buong mundo ang abilidad at kakayahan ng mga Filipino.

Ayon pa kay Angara magbibigay ng maraming oportunidad sa mga manggagawang Filipino ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan  sa bansa.

Ngayon ang unang taon sa puwesto ni Pangulong Marcos Jr.

Read more...