Full investigation sa pamamaril sa journalist sa QC, ikinasa na
Inatasan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Quezon City Police District na magsagawa ng full investigation sa kaso ng pamamaril sa mamahayag na si Joshua Abiad ng Remate online.
Kumpiyansa si Belmonte na agad na maaresto sa lalong madaling panahon ang mga suspek sa pamamaril kay Abiad.
Kasabay nito, mariing kinondena ni Belmonte ang pamamaril kay Abiad.
“On behalf of the entire Quezon City Local Government Unit, the Quezon City Police Department, and all peace-loving QCitizens, I would like to express my outrage and condemnation of the shooting incident that happened in Barangay Masambong,” pahayag ni Belmonte.
“Although we are greatly relieved that the victim, photo-journalist Joshua Abad, has now been declared out of danger, this has not diminished our determination to bring his cowardly attackers to justice,” pahayag ni Belmonte.
Bukod kay Abiad, apat na kaanak nito ang mga nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.
“Wala pong lugar ang karahasan at pananakot sa Quezon City, maging sa mga miyembro ng media o kahit sino pa man. Titiyakin po namin na mananagot ang mga salarin ng krimeng ito,” pahayag ni Belmonte.
“A full investigation is currently underway, and we are confident that more details will soon lead to rightful arrests,” dagdag ni Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.