Malubhang nasugatan ang isang photojournalist at sugatan din ang kanyang apat na kaanak sa pananambang ng ilang armadong lalaki sa Quezon City kaninang hapon.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang 37-anyos na si Joshua Abiad, ng Remate Online.
Nabatid na ang isa pang pamangkin ni Abiad na walong-taong gulang ay kritikal ang kalagayan dahil sa bala sa buto nito.
Sugatan din sina Renato Abiad, 41, Jeffrey Cao, 47 at isang anim at apat na taong gulang na mga bata.
Maliban kay Cao, sakay ang mga biktima ng Ford Everest nang sila ay pagbabarilin ng mga nakasakay sa isang silver Toyota Vios at Honda Mio motorcycle, sa Gazan street sa Barangay Masambong alas-3:50.
Narekober sa lugar ang 14 basyo mula sa kalibre .45 na baril.
May impormasyon na testigo ang biktimang photojournalist sa mga drug cases ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.