Shake drill scenario: Magnitude 7.2 na lindol tumama sa Metro Manila
Nasunog na sasakyan, mga taong natabunan ng debris, nahulog sa ilog pasig, at naipit sa taxi na nabagsakan ng debris.
Ilan lamang ito sa mga sitwasyon na ipinakita sa bahagi ng EDSA-Guadalupe sa isinagawang Metro Manila shake drill.
Ang nasabing mga scenario ang ipinakita matapos ang hudyat ng kunwari ay pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila.
Isang lumang kotse ang sinunog, at mayroong mannequin na inilagay sa loob nito na siyang ni-resecue ng mga tauhan ng red cross at MMDA.
Mayroon ding taxi na kunyari ay nabagsakan ng debris, ang taong naipit sa loob nito ay sinagip.
Mayroon ding rescuers na tumalon sa ilog Pasig, para sagipin ang mga taong kunyari ay nahulog sa ilog. Naglagay ng mga mannequin sa ilog at ang mga iyon ang niligtas ng mga rescuers.
WATCH: Kotseng nasusunog sa EDSA Guada bridge. @dzIQ990 #MMShakeDrill pic.twitter.com/EpR58P7Xk1
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 22, 2016
WATCH: Nasunog na kotse sa EDSA-Guad matapos kunwaring tumama ng Mag7.2 na lindol | Jomar Piquero #MMShakeDrill pic.twitter.com/oL5eO2IeUq
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 22, 2016
WATCH: #MMShakeDrill sa EDSA guada bridge. @dzIQ990 pic.twitter.com/PbMFeRkMdx
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 22, 2016
WATCH: #MMShakeDrill sa EDSA Guada bridge. @dzIQ990 pic.twitter.com/LViAq7tR4K
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 22, 2016
LOOK: Sitwasyon sa EDSA Guadalupe sa pagsisimula ng #MMShakeDrill @isaavendanoDZIQ pic.twitter.com/Dtxxwrhg8b
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 22, 2016
WATCH: #MMShakeDrill sa EDSA Guada bridge. @dzIQ990 pic.twitter.com/1kwPJM7Glb
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 22, 2016
WATCH: #MMShakeDrill sa EDSA Guada bridge. @dzIQ990 pic.twitter.com/HUjpgCFic6
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 22, 2016
WATCH: #MMShakeDrill sa EDSA Guada bridge. @dzIQ990 pic.twitter.com/LViAq7tR4K
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 22, 2016
WATCH: Sitwasyon sa EDSA-Guadalupe | Jomar Piquero #MMShakeDrill pic.twitter.com/T7E8J8buNf
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 22, 2016
WATCH: #MMShakeDrill sa EDSA Guada bridge. @dzIQ990 pic.twitter.com/o7DueXU7MD
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) June 22, 2016
Samantala, sa bahagi ng Intramuros, Maynila, matapos ang pagtunog ng serena na hudyat ng pagtama ng malakas na lindol, sunod-sunod na nagdatingan ang mga truck ng bumbero at mga ambulansya.
Sa kalapit na Manila Hotel, naglabasan ang mga bisita at empleyado dahil kasama sa scenario ang mass evacuation sa nasabing hotel.
Naglabasan din sa kalsada ang mga empleyado at bisita ng Manila City Hall.
WATCH: Sitwasyon sa Intramuros Maynila | @jongmanlapaz pic.twitter.com/gLPwTEzwfH
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 22, 2016
WATCH: Sitwasyon sa Intramuros Maynila | @jongmanlapaz pic.twitter.com/s4Ge9oETLo
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 22, 2016
WATCH: Sitwasyon sa Intramuros Maynila | @jongmanlapaz pic.twitter.com/voe0cDKSCO
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 22, 2016
Sa Camp Aguinaldo, itinayo ang monitoring center kung saan tinanggap ang mga ulat at kaganapan sa isinagawang shake drill.
Sa nasabing monitoring center, kita ang mga kaganapan sa Metro Manila sa pamamagitan ng mga monitors na nakakunekta sa mga CCTV camera.
DOH ambulances arrive on the scene at NDRRMC operations center. #MMShakeDrill pic.twitter.com/gQmxYI1mTm | @JulieMAurelio
— Inquirerdotnet (@inquirerdotnet) June 22, 2016
WATCH: Sitwasyon sa Camp Aguinaldo | @iamruelperez pic.twitter.com/uThXF8lCIt
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 22, 2016
WATCH: Sitwasyon sa Camp Aguinaldo | @iamruelperez #MMShakeDrill pic.twitter.com/jX6qjXvTrB
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 22, 2016
LOOK: Military, civilian personnel busy manning their stations at NDRRMC ops center. #MMShakeDrill @Team_Inquirer pic.twitter.com/n20PBphJBZ
— Julie M. Aurelio (@JulieMAurelio) June 22, 2016
NDRRMC meeting on-going receiving reports of the situatn aftr ‘The Big One’ @dzIQ990 pic.twitter.com/bnSikkVxpH
— ruel perez (@iamruelperez) June 22, 2016
Sa San Miguel Heights Elementary School sa Valenzuela South District, mayroong 1,200 batang mag-aaral ang nakikisa sa shake drill.
Ayon kay Riza Escuvido, principal ng naturang paaralan, naghanda sila ng mga kagamitan kung saan may nakaantabay na stretcher.
Ang stretcher na ginamit ay kumot lamang na ipinulupot sa dalawang bakal, may mga hard hat, first aid kit, fire extinguisher, megaphone at mga pito.
Mayroon ding mga guro ng paaralan kung saan sinanay sa disaster preparedness at pagbibigay ng first aid.
Ang mga estudyante ay pinagdala ng improvised head gear na gawa sa floor mat, tinahi at itinatakip sa ulo ng mga bata.
Samantala, sa New Bilibid prison, nakilahok din sa shake drill ang mga preso.
Nag magsimula ang shake drill, sabay-sabay na nagsagawa ng duck, cover at hold ang mga preso at nagtungo sa basketball court ng NBP.
Pawang mga miyembro ng mga gang na Batang City Jail, Cuerna, Batman at Batang Mindanao ang nakilahok sa drill.
Tumagal ng 30-minuto ang drill sa loob ng NBP at pagkatapos ay pinabalik na sa kani-kanilang mga selda ang mga preso
Inmates ducking. pic.twitter.com/Bn7MJQR9Ss
— Kristine Mangunay (@KFMangunay) June 22, 2016
— Kristine Mangunay (@KFMangunay) June 22, 2016
Inmates dispersing after a man told them the drill was over. pic.twitter.com/AUcLQdZj6j
— Kristine Mangunay (@KFMangunay) June 22, 2016
Kasabay ng shake drill sa Metro Manila, mayroon ding ibang lalawigan ang nakilahok sa pagsasanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.