Loyalty check sa senators hindi kailangan – SP Zubiri

By Jan Escosio June 29, 2023 - 06:20 PM

SENATE PRIB PHOTO

Sa kabila ng mga alingasngas ukol sa plano na patalsikin siya sa posisyon, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi kailangan na magsagawa ng “loyalty check” sa hanay ng mga kasama niya sa Senado.

Giit ni Zubiri hindi kailangan na patunayan pa ang suporta sa kanya ng mga kapwa senador.

Aniya, nagsisilbi siya  base sa kagustuhan ng mga kapwa senador, sabay pasasalamat sa mga ito sa patuloy  na pagsuporta sa kanyang pamumunuan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Pagbabahagi pa ni Zubiri, maging ang mga kapwa senador ay nagugulat sa pagkalat ng tsismis, na aniya ay nalaman lang nila base sa pagtatanong ng mga mamamahayag.

Paglilinaw lamang din nito na wala siyang pangamba anuman ang naisin ng mga kapwa senador ukol sa kanyang pamumuno.

Sinabi na lamang nito na sa 2025 maaring magbago ang pamunuan dahil sa pagpasok ng 12 bagong senador.

TAGS: election, senate president, zubiri, election, senate president, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.