Suporta ng malalaking negosyo sa MSMEs hiningi ni Pangulong Marcos Jr.

OP PHOTO

Hiningi ni Pangulong Marcos Jr. ang suporta  ng malalaking negosyante sa pagpapalakas ng gobyerno sa  micro, small at medium enterprises (MSMEs) at nano enterprises sa bansa.

Sa talumpati ng Pangulo sa paglulunsad ng ‘Kanegosyo Center’ ng Cebuana Lhuillier Group of Companies sa Parañaque City, sinabi nito na hindi napapansin ang mga maliliit na negosyante dahil sa kakulangan ng suporta.

“These are the people that we are trying to help. And what we are trying to do here is, first, having recognized that the economies of the world, the economies of different countries, and the global economy has been fundamentally changed by the pandemic,” pahayag ng Pangulo.

“And that is why we have to do different things now. And that’s why we were trying the basic concept behind this is that we are trying to create an ecosystem for startups and that is really what we are trying to do. We are trying to help small businesses who have a good idea,” dagdag ng Pangulo.

Sabi ng Pangulo, malaking tulong ang pagtatatag sa ‘Kanegosyo Center’ para matulungan ang MSMEs.

Read more...