PAGASA: Tatlo hanggang apat na bagyo ngayon Hulyo

INQUIRER FILE PHOTO

Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posible tatlo hanggang apat na bagyo ang mararanasan sa bansa sa susunod na buwan.

Sinabi ni weather specialist Benison Estareja maaring ang mga bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ay tatama sa kalupaan ng Luzon o Eastern Visayas.

Paiigtingin pa ng mga bagyo ang habagat na makakaapekto sa hilagang bahagi ng bansa.

Ayon pa kay Estareja magpapatuloy ang pag-ulan ngayon weekend sa maraming bahagi ng bansa  dahil sa habagat.

Posible ang pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Pangasinan maging sa malaking bahagi ng Visayas.

Sa Mindanao maaring umulan sa  General Santos City, Zamboanga City, samantalang maaring maging mainit ang panahon sa Davao City.

 

Read more...