Isang volcanic earthquake, 372 rockfall events at pitong dome-collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mabagal ang naging pagdaloy ng lava na may haba na 1.6 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.2 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava ng hanggang 3.3 kilometro mula sa crater.
Nasa 964 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 800 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan at may katamtamang pagsingaw. Napadpad ito sa kanluran-hilagang kanluran.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES