Isang volcanic quake, 372 rockfall events at pitong dome collapse naitala sa Bulkang Mayon

By Chona Yu June 28, 2023 - 09:15 AM

 

Isang volcanic earthquake, 372 rockfall events at pitong dome-collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mabagal ang naging pagdaloy ng lava na may haba na 1.6 kilometro  sa Mi-isi Gully at 1.2 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava ng hanggang 3.3 kilometro mula sa crater.

Nasa 964 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Nasa 800 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan at may katamtamang pagsingaw. Napadpad ito sa kanluran-hilagang kanluran.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

TAGS: Albay, Bulkang Mayon, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Albay, Bulkang Mayon, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.