Bagong campaign slogan ng Pilipinas: Love the Philippines
Inilunsad ng Department of Tourism ang bagong campaign slogan para makaakit ng mga turista sa bansa.
Ito ay ang “Love the Philippines.”
Mismong sina Tourism Secretary Christina Frasco at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nanguna sa paglulunsad sa pinalakas na campaign slogan sa Manila.
Dahil dito, iiwan na ng DOT ang naunang campaign slogan na “It’s more fun in the Philippines.”
Sabi ni Frasco, ang paglulunsad ng bagong campaign slogan ay kasabay ng pagdiriwang ng DOT ng golden year.
Sabi ni Frasco na nasa 2.62 milyong turista na ang bumisita sa bansa mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Malapit na aniya ito sa 2.65 milyong turista na naiatala sa buong taon ng 2022.
Ikinatuwa naman ni Pangulong Marcos ang bagong campaign slogan.
Umaasa ang Pangulo na lalakas pa ang turismo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.