Nasa dalawang milyong ektaryang bundok ang bibigyang prayoridad ng Department of Environment and Natural Resources na pagtaniman ng ibat ibang uri ng puno.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na nasa 15 milyong ektaryang lupa ang na-identify na forest lands.
Pero sa naturang bilang, nasa pitong milyon lamang ang covered.
Sabi ni Loyzaga, imposible na mataniman ng DENR ang walong milyong ektaryang bundok bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos sa 2028.
Kailangan aniya ng DENR ng tulong para mataniman ang mga bundok.
MOST READ
LATEST STORIES