May ikinakasang programa si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon.
Ito ay ang Batang Busog Malusog o BBM Movement.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Gadon na isa itong paraan para matugunan ang kahirapan sa bansa.
Sa ilalim ng programa, hihikayatin ni Gadon ang mga malalaking negosyo na mag-ampon ng mga paaralan para sa feeding program bilang corporate social responsibility.
Hindi lang aniya pagkagutom ang matutugunan kundi maging ang kahirapan.
Sabi ni Gadon, kaya maraming estudyante ang hindi nakapapasok sa eskwela dahil sa gutom.
Sabi ni Gadon, mga dagliang solusyon lamang ang mga ayuda na ginawaga ng pamahalaan gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, TUPAD at iba pa.
Dapat aniyang bigyan ng permanenting trabaho ang bawat Filipino para tuluyang makaahon sa kahirapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.