Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatatag ng bagong tanggapan na National Environment and Natural Resources Geospatial Database.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Environment Secretary Antonia Loyzaga na tututok ang bagong tanggagpan sa mga lugar na kailangan ng reforestation, watershed management at mining policies.
Sabi ni Loyzaga, magagamit ito para sa remte sensing, geographical systems para mailatag ng maayos ang ibat ibang polisiya at etsratihiya.
Sabi ni Loyzaga, walang inilaang dagdag na pondo para sa bagong tanggapan.
Ayon kay Loyzaga, ang mga ginagamit ng bagong tanggapan ay mga gamit ng DENR.
Sampung tauhan din lang aniya na may entry level sa DENR ang nagtatrabaho sa bagong tanggapan at isang undersecretary ang nangangasiwa.