Umabot sa 423 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ngayon araw ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ang mga pinalaya, ayon sa BuCor, ay mula sa pitong pasilidad ng kawanihan, kabilang na ang National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Sinabi ni BuCor Dir. General Gregorio Pio Catapang ang hakbang sa mga kuwalipikadong PDLs ay paraan para mapaluwag ang mga pasilidad.
“Ito binibilisan talaga natin. Marami pa ito na lalaya,” ani Catapang.
Pagbababahagi pa ng opisyal, kasabay nito ang paglilipat ng 500 PDLs mula sa Medium Security Compound sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.
Isinakay sila sa isang barko ng 2Go at bantay-sarado sa mga BuCor officers.
Bukod pa dito, ayon pa kay Catapang, patuloy ang pagkuha nila ng mga bago at karagdagang correction officers.
Samantala, sinabi ni Justice Usec. Deo Marco, suportado nila ang mga ginagawang reporma ni Catapang sa kawanihan.
Aniya nalalapit na ang “digtalization” ng “carpeta” o ang records ng mga bilanggo.