Higit 2,000 POGO workers nailigtas sa Las Piñas City
Sinalakay ang isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Las Piñas City at nailigtas ang higit 2,000 empleado, kabilang ang ilang banyaga.
Pinaniniwalaan na ang mga nailigtas, kabilang na ang 1,525 Filipinos, ay biktima ng human trafficking syndicate at ilan pa sa kanila ay mula sa from China, Vietnam, Malaysia, Myanmar, Taiwan, at Singapore.
Isinagawa ang raid sa POGO hub matapos makakuha ng search warrant ang PNP – Anti-Cybercrime Group.
Kinumpiska ng awtoridad ang “communications and computer data” sa POGO hub sa paniniwalang magagamit na ebidensiya sa posibleng paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.
Sinabi ni Police Capt. Michelle Subino, ang tagapagsalita ng PNP-Anti-Cybercrime Group, sinabi ng mga biktima na sila ay nagta-trabaho sa isang online casino at ilan lamang sa kanilang ang pinapayagan na makalabas.
Inalok ng trabaho ang mga biktima sa pamamagitan ng online posts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.