Estrada tutol sa pagbibigay ng temporary license sa nursing graduates
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Mapait sa panlasa ni Senator Jinggoy Estrada ang plano ng Department of Health (DOH) na bigyan ng temporary license ang mga nursing graduates, na hindi pa nakalusot sa board exams.
Katuwiran ni Estrada, kailangan na pag-aralan munang mabuti ang plano dahil buhay ang nakataya.
Dagdag niya, dapat ay ipaubaya sa mga propesiyonal ang pangangalaga sa buhay ng pasyente.
Nararapat din aniya na unahin na bigyan ng trabaho ang 18,000 bagong nursing board passers na narito pa sa Pilipinas.
Pagbabahagi pa ni Estrada, binabalak niya na maghain ng panukalang batas kung saan magbibigay ng scholarship ang gobyerno sa mga nais kumuha ng kusrong nursing, kapalit nang pagta-trabaho sa government hospital kapag sila ay nakatapos at nakakuha ng lisensiya.