GSIS handa ng hawakan ang pension system ng mga pulis, sundalo
By Jan Escosio June 27, 2023 - 08:32 AM
Nagpahayag ng kahandaan ang Government Service Insurance System (GSIS) na pamahalaan ang pension system ng military at uniformed personnel (MUP).
Ito ang ibinahagi ni Sen. Jinggoy Estrada, ang namumuno sa Senate Committee on National Defense, kasunod ng kanyang pakikipag-ugnayan sa economic team.
Samantala, inihayag din ni Estrada na marami sa mga aktibong sundalo ang tutol sa ipinapanukalangg 5% na kontribusyon na ikakaltas sa kanilang buwanang sahod.
Ito ay kahit noon naman anya ay kinakaltasan na ang mga sundalo ng kontribusyon para sa Retirement and Separation Benefits System.
Ipinaliwanag ng senador na para sa mga mababang ranggo na sumasahod ng P29,000 ay malaki na ang limang porsiyentong kontribusyon.
Pagtitiyak pa ni Estrada na bukas siyang muling magsagawa ng pagdinig kung kinakailangan at nakatakda na rin aniya siyang makipagpulong kay Defense Sec. Gilbert Teodoro para pag-usapan ang panukalang sistema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.