Nasa 107 volcanic earthquakes, 241 rockfall events at 17 dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 1.3 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.2 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater.
Nasa 753 toneladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 750 metrong taas na may katamtamang pagsingaw at napadpad sa gawing kanluran ang ibinugang plume.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
READ NEXT
PBBM should protect our Pinoy seafaring heroes against corruption—SHARP EDGES by JAKE J. MADERAZO
MOST READ
LATEST STORIES