Sen. Risa Hontiveros naghatid ng P11.5-M halaga ng tulong sa Mayon victims
Nagsilbing tulay si Senator Risa Hontiveros para makapaghatid ng P11.5 milyong halaga ng alokasyon para sa mga pamilya at indibiduwal na paketado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.
Umaasa si Hontiveros na maabot ang lahat ng apektado ng kanyang “Mayon 360° Relief Operations.”
Inilakad ng senadora sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Management Bureau ang P10 milyong halaga ng frelief packs.
May halos 6,000 pamilya sa mga lungsod ng Tabaco at Ligao, gayundin sa mga bayan ng Guinobatan, Sto. Domingo, Malilipot at Camalig ang makikinabang sa tulong na hatid ni Hontiveros.
Bukod dito, may 300 benepisaryo na tatanggap ng tulong-pinansiyal sa pamamagitan ng Assistance to Individual Crisis Situation (AICS), na napaglaanan ng P1.5 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.