One week COVID 19 positivity rate sa Metro Manila, ibang probinsiya bumaba – OCTA
Nagpatuloy nitong nakalipas na isang linggo ang positivity rate ng COVID 19 sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research.
Bumaba na sa anim na porsiyento ang bilang ng bagong nahawa ng nakakamatay na sakit sa Metro Manila hanggang noong Sabado, Hunyo 24 mulasa 7.2 porsiyento noong Hunyo 17.
Sinabi din ni OCTA Researcxh fellow Dr. Guido David na bumaba din ang positivity rate sa maraming probinsiya sa Luzon.
-Bataan ( 21.7%)
-Batangas ( 5.3%)
-Bulacan ( 6.7%)
-Camarines Sur (18.8%)
-Cavite (8.4%)
-La Union (12.4%)
-Laguna (7.7%)
-Oriental Mindoro (8%)
-Palawan (10.1%)
-Pampanga (17.9%), Pangasinan (18.5%)
-Quezon Province (9.5%)
-Rizal (7.3%)
-Tarlac (15%) at
-Zambales (9.5%).
Ngunit. pagpupunto ni David, tumaas naman sa Benguet (mula 13.2% naging 15.3%; at Cagayan na nakapagtala ng 16.7% mula sa 13.8%.
Ang itinakdang “benchmark” ng World Health Organization (WHO) ay 5 percent positivity rate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.