Tsismis ng pagpapatalsik kay SP Migz Zubiri kinumpirma ni Jinggoy

By Jan Escosio June 26, 2023 - 05:50 PM

SENATE PRIB PHOTO

Inamin ni Senator Jinggoy Estrada na may mga ugong ukol sa planong alisin sa puwesto si Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ang pagpapalit daw ng liderato ay isasagawa bago ang pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., sa susunod na buwan kasabay nang pagsisimula ng 2nd Regular Session ng 19th Congress.

Dagdag pa ni Estrada na bahagi ng tsismis ay siya ang ipapalit kay Zubiri.

Ngunit pagdidiin ng senador walang kumakausap sa kanya ukol sa planong pagpapalit ng liderato sa Senado, gayundin ang pamumuno niya sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Nilinaw din niya na hindi niya naiisip pa na pamunuan ng Senado at dagdag pa nito “stable” ang liderato ng Senado patunay na rin ng pinakamataas na rating sa hanay ng mga ahensiya ng gobyerno.

Ilang senador din ang itinanggi na may nagbabalak ng patalsikin sa puwesto si Zubiri.

Si Sen. Robinhood Padilla sinabi na hindi niya susuportahan kung magkakaroon ng hakbang laban sa kasalukuyang puwesto ni Zubiri.

Wala naman siyang narinig ukol dito, sabi ni Sen. Francis Tolentino.

Si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sinabi na maayos ang pamumuno ni Zubiri at aniya madali itong lapitan.

Si Sen. Imee Marcos naman ay wala din naririnig at aniya dapat ay tigilan na ang mga intrigahan dahil maraming trabaho.

Ayon naman kay Sen. Nancy Binay wala ding napapag-usapan ukol sa pagpapalit ng liderato ng Senado.

“All I can say is that we are all happy and pleased with the current leadership, and we all attest that SP Migz has the trust and confidence of the members of the Senate,” ani Binay.

TAGS: coup, Estrada, Senate, zubiri, coup, Estrada, Senate, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.