5,000 katao inilikas dahil sa pagtugis sa dating Sulu vice mayor

By Jan Escosio June 26, 2023 - 01:09 PM

PNP PHOTO

Kinailangan  na ilikas ng awtoridad ang may 5,000 indibiduwal kasabay nang isinagawang pagtugis kay dating Maiumbung, Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan.

Sa ngayon, nakasentro ang pursuit operations ng mga pulis at sundalo sa mga lugar kung saan maaring magtago si Mudjasan, na nakatakas matapos ang maghapon na pakikipagbarilan ng kanyang mga tagasuporta sa mga pulis.

Isisilbi dapat kay Mudjasan ang arrest warrants para sa ibat-ibang kasong kriminal, gayundin ang search warrant base sa impormasyon na may mga itinatago itong mga armas at pampasabog.

Isang tauhan ng PNP – Special Action Force ang nasawi sa operasyon, samantalang 13 iba pa ang nasugatan.

Dating kumander ng Moro National Liberation Front (MNLF) si Mudjasan bago ito naging vice mayor.

Kinailangan na ilikas ang libo-libong indibiduwal para hindi sila maipit sa posibleng engkuwentro at hindi sila pinapayagan na makauwi.

 

 

 

 

TAGS: Arrest Warrant, evacuees, mnlf, PNP, SAF, Sulu, Arrest Warrant, evacuees, mnlf, PNP, SAF, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.