Nilinis ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga rehistradong botante at 25, 440 ang nadiskubre ang may “double or multiple registrations” o iba pang kadahilanan.
Sa pahayag ng Comelec, 12,987 ang ndiskubre na may dalawa o higit pang “voter’s fingerprints” base sa Automated Fingerprint Identification System (APIS).
May 12,274 naman na lumipat na ng ibang lugar, samantalag 170 ang nadiskubreng patay na base sa ulat ng local registrars.
Noong Hunyo 19, nagsagawa ng special election registration board hearing ang Comelec para alisin ang “duplicate registrations” bilang paghahanda sa papalapit na Brangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Magpapatuloy ang paglilinis sa listahan ng mga rehistradong botante sa susunod na buwan.