US airport worker hinigop ng makina ng eroplano, patay

By Jan Escosio June 26, 2023 - 08:39 AM

Iniimbestigahan na ng US National Transportation Safety Board (NTSB) ang insidente sa airport sa San Antonio, Texas na nagresulata sa pagkamatay ng isang manggagawa.

Napa-ulat na hinigop ng makina ng isang eroplano ng Delta ang manggagawa at agad itong namatay.

Nabatid na lumapag mula sa Los Angeles, California ang Delta flight sa San Antonio, Texas at patungo na sa gate nang bigla na lang mahigop ng makina ang manggagawa ng Unifi Aviation.

Nabatid na ang Unifi Aviation, ang contractor ng Delta sa ground crew operations, sa naturang airport.

Iniimbestigahan na ng naturang kompaniya ang insidente, na kanilang isinalarawan na trahedya.

 

 

 

TAGS: Airport, Delta, Texas, Airport, Delta, Texas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.