Maulap na may posibleng may mga pag-ulan ngayon araw

By Jan Escosio June 26, 2023 - 07:58 AM
Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang magiging panahon sa pangkalahatan ngayon araw araw sa malaking bahagi ng bansa, kasama na ang Metro Manila. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa low pressure area (LPA) na namataan sa distansiyang 500 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar. Ang LPA ay sumabay pa sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaka-apekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang panahon sa MIMAROPA, Bicol Region, Aurora at Quezon ay bunga ng ITCZ, kung saan ang mararanasang pag-ulan ay maaring maging malakas. Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay maari din makaranas ng pag-ulan dulot din ng ITCZ o localized thunderstorm. Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

TAGS: ITCZ, LPA, Pagasa, PAR, ITCZ, LPA, Pagasa, PAR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.